"Manong Roman" The Kind Jeepney Driver ! This Student Lost His Wallet While He Was On A Jeepney. When He Told The Driver He Doesn’t Have Money, Look What he did ! I Peeenoise
No act of kindness, no matter how small, is ever wasted.
A Heart warming story inspired everyone and salute "Manon Roman" May 4,2017 Mr.John Erick Ami Posted on his facebook account about his experience and the kindness he received ! Read John`s Facebook Post Below .
"Shout out pala kay Manong ng San Miguel ikot. Pasikatin natin to.
Hindi lang pala sa Uber o Grab nangyayari yun, pati pala sa Jeep.
Papasok ako ng school sa Adamson, pag-sakay ko, hindi ko na makapa yung wallet ko. Tinignan ko na yung buong bag ko tas lahat ng bulsa ko, wala talaga.
Buti kahit papano may tres ako sa bulsa, so lumipat ako ng upuan, duon sa likod niya.
Tas sabi ko, "Kuya pedeng tres nalang nawawala wallet ko".
Tas sabi ko, "Kuya pedeng tres nalang nawawala wallet ko".
Sumagot si manong "Ayan." Medyo malakas akala ko galit.
"Ayan ang maganda, yung nagsasabi kesa yung mga nanahimik tas hindi nag babayad."
Pag abot ko ng tres sa kanya, inabutan niya ako ng trenta pesos, tas sabi niya "Baka hindi ka na makauwi mamaya oh, eto pamasahe".
Mangiyak ngiyak na ko nung panahon na yun, unang byahe palang ni Manong yun eh. Tas di ko inexpect na mag bibigay siya ng tulong, given na ang hina na ng kita ng nga jeepney driver. Pero na appreciate ko kasi kahit pare parehas tayung mahihirap meron paring handang tumulong.
Pag baba ko, nag pasalamat ako kay manong, tas sabi niya "Ingat ka, Anak".
So ayun, kahit pala gabi may buwan na handang magnakaw ng liwanag para tanglawan tayung nasa kadiliman.
John`s post in over 23 hours already reached 303k reactions , 56.888 shares from netizens .
Today John visited again Manong Roman on San Miguel where Manong Roman usually wait for passengers , To give a simple thanks treat . He bought Manong Roman a Pizza hut and Jollibee Meal . Manong John stated overwhelmed and also thankful to him . He also said "Yung pag tulong dapat kusa yan, pag may nangangailangan ibibigay mo, bahala na sila kung lolokohin ka nila."
John Erick Ami`s Post
Saktong sakto pag balik ko ng San Miguel, si Manong nasa harap ng pila.
Saktong sakto pag balik ko ng San Miguel, si Manong nasa harap ng pila.
Naalala ako ni Manong at hindi siya makapaniwala na marami yung natuwa dun sa pinakita niyang kabutihan. Habang kausap ko si Manong ang dami niyang sinabing aral sa akin.
"Kami kasing mga drayber, hindi naman kami masamang tao. Ang gusto namin yung nag sasabi ng totoo. Pinakita nga ng anak ko sa akin yung picture ko, hindi ko namalayan pinicturan mo pala ako. Dapat nga hahabulin kita kasi baka kulang yung nabigay ko, kaso bumababa ka na." Sabi ni Manong
Hindi ko napigilan, kahit medyo maraming tao. Naluluha na ako.
"Yung pag tulong dapat kusa yan, pag may nangangailangan ibibigay mo, bahala na sila kung lolokohin ka nila."
Naiiyak na talaga ako nun, pilit kong inaabot kay manong yung pera, pero kahit anung pilit ko di niya tinatanggap. Hindi na nga rin niya ko pinag bayad.
Sabi ko kay manong bibilhan ko nalang siya ng meryenda.
Dahil dito sa pangyayaring to nabago yung pananaw ko sa buhay. Napaka importante pala ng simpleng pag tulong sa kapwa. Hindi hadlang ang kahirapan para maging mabuting tao. At ito ang aral na mas natutunan ko sa labas ng paaralan, sa lansangan.
So binigay ko yung binili kong pagkain kay manong, nakita ko yung bagay na sobrang nakapag pasaya sa akin. Yung walang kahit anong sukli yung papantay.
Yung ngiti ni manong.
Naalala ko tuloy yung paborito kong kanta sa simbahan,
Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling niya
Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling niya
(Pasensya na kung mahaba, sobrang naging emotional talaga tong experience na to)
Eto po yunv first po https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1758022290881029&id=100000198247851
Do you find this story inspiring? Tell us if you have similar inspiring story.
No comments