Share ko lng po nangyari sa amin.. mahaba po ito pero sana ay basahin po ninyo lalo na po kung may mga anak kyo



Share ko lng po nangyari sa amin.. mahaba po ito pero sana ay basahin po ninyo lalo na po kung may mga anak kyo...
Ako po si Maricon Molvizar Collamar, 34 yo. Isang Momtrepreneur.. may 2 anak.. ang panganay ko ay lalake, 15yo Grade 10 at si Mikayla 6yo na Grade 2.. ito po ang aming istorya:

Nung june 27, around 10:30-11pm, naglilinis ako ng sala nmin at narinig na tumitili si mikayla na parang nakakita ng ipis.. tinanong ko kng anong nangyayari at dahil alam kong allergic cya sa ipis kya tumayo ako at mag susuot ng slippers pero bago ko pa maisuot ay sumigaw na tlga cya at tinawag ang pangalan ko kya napatakbo ako agad dahil hindi na normal ang pag tawag nya sa akin.. pag dating ko sa pintuan ng kwarto namin, nakita ko si mikayla na nasa lapag, nangingisay at nka hubo’t hubad (dahil naligo cya). 








Hinawakan ko kaagad ang ulo nya para i-check kung may bukol ba or may sugat, thank God wla.. tiningnan ko ung lapag kung may bakas ng pagkadulas nya kc naligo nga cya nun.. wla nman.. kya pinaupo ko cya sa lapag dahil nangingisay prn cya ng bahagya.. tinanong ko kung anong nangyari, ang sagot nya lng sa akin “mommy, d ko ma move ung (left) arm ko!” medyo nag hi-hysterical na ako kasi first time nangyari sa kanya un at hindi ko alam kng anong gagawin ko kya pinatayo ko cya para pumunta ng kama pero bumagsak cya na hawak ko kaya binuhat ko agad cya papuntang kama.. sa kama habang kandong ko cya, paulit-ulit kong tinatanong kung ano ba talagang nangyari? Bkt d pa cya bihis? Kung may masakit ba sa katawan nya? 








Kung ano bang nararamdaman nya? Sunud-sunod ang tanong ko dhl kinakabahan na ako pero ang tanging sagot nya sa akin, “mommy, ayaw talaga mag move ng arm ko.. look mo parang jelly na cya!” napansin ko na tabingi ung right lips nya at bulol mag salita si mikayla, eh hindi nman cya bulol kung mag salita.. pinatawag ko sa panganay ko ung kapatid ko na nsa kabilang bahay lang.. tinanong nya ng maayos si mikayla kng anong nararamdaman at kung saan may masakit na parte ng katawan nya.. pero un pa rin ang sagot ni mikayla.. tiningnan ng kapatid ko ung arm ni mikayla pero no response, pinamove nmin ung fingers pero d kayang i-fold ni mikayla kaya minasahe ng kapatid ko.. after few minutes, nagagalaw na unti-unti ni mikayla ang fingers nya at naka-recover na dn.. tinanong nmin cya ulit kung ano bang nangyari sknya.. ang kwento nya after dw nyang maligo, binuhay nya ung tv tapos pinag tripan nya ung hikaw nya na itusok sa putol na crayon tpos na feel na lng dw nya na nag shake ung left hand nya tapos nakaramdam dw cya ng pagkahilo.. kaya siguro ung pag sigaw nya ng una ay na feel nyang nag shake na ung hand nya tpos lalabas na sna cya ng kwarto para puntahan ako kaso inabutan na cya ng pagkahilo sa pinto ng kwarto nmin.. iniisip ko bka na stroke na ung anak ko kaso bkt nakakagalaw prn cya at bkt left part ng body nya ung paralize pro right lip ang tumabingi? kya sinabihan ako ng kapatid ko na ipa-check up para malaman ang dahilan..










Around 12:30am, june 28, after kong ipaalam sa husband ko at parents ko ang ngyri kay mikayla ay dinala na nmin ng isa ko pang kapatid sa ospital.. dun na tumagpo ang asawa ko dahil galing sa trabaho.. sa loob ng ER ay in-interview kmi, good thing isang nurse sa ER ng ospital na un ang kapatid ko.. hindi matukoy ng residing doctor ang reasons kng bakit nag seizure si mikayla kaya pina CT scan at xray na muna nya para malaman kung nabalian or nabagok ba ang ulo ni mikayla sa pagkakabagsak.. sinabihan nya dn kami na kailangan ma-confine si mikayla for further check up ng pedia at mdyo critical kung uuwi kmi agad dhl bka maulit ulit ang seizure.. at 8:30am, nakausap nmin ang PEDIA at sinabing mukhang ok na si mikayla dahil makulit na ulit but just to make sure ay mg re-refer cya ng NEURO PEDIA para malaman nmin ang cause ng seizure.. 11am, dumating ang neuro pedia. Chineck si mikayla, nag bigay ng physical tests tapos sinabihan kami na nid ng EEG at MRI dhl nag suffer si mikayla sa FOCAL SEIZURE.. inalam nmin ang naging cause, d nya masagot ng maayos kng bkt na-trigger dhl wala pang EEG at MRI pero mostly the reason is EXCESSIVE USE OF GADGETS..

Yes, excessive use of gadgets.. kasi simula nung nag bakasyon last march 2017, wala ng ibang inatupag si mikayla kundi ang ipad nya or watch tv.. bkt ko hinayaan? Kasi isa akong MOMTREPRENEUR, ang line of business ko ay crafting, so need ko ng super amount of time na matapos ko ang isang project/orders ko para sa client na may deadline.. wala po kaming katulong sa bahay, kami lng 3 mag-iina ang laging nasa bahay, wla dn po akong katulong sa craftings ko kya para hindi ako maistorbo ay hinayaan ko cya gumamit ng ipad.. is it my fault? Partly yes! Kasi nakakausap ko lng cya pg katapos kong mag luto ng food at tuwing kakain kami.. papasok lng ako sa kwarto para paliguin ko cya.. makakatabi ko lng cya pag napagod ako sa ginagawa ko tpos balik trabaho na ulit ako.. mas nabigyan ko ng oras ang projects ko kaya na neglect ko si Mikayla at hinayaan ko gumamit ng ipad kasi alam kong wla nman mngyayari sa kanya ng dahil lng sa ipad dhl most of the time ay either nakaupo or nakahiga lng sa kama.. at para na rin hindi nya ako gambalain sa ginagawa ko..








Now, back to Mikaylas case.. after CT scan, X-ray, EEG at MRI, all result are negative.. ALMOST normal.. why almost normal? Kc sa EEG result nya ay nakitang mabagal ang right brain reaction sa isang part ng test na may flickering lights, sbi kc baka dahil nga nung nakaraang gabi na nag seizure cya.. at sa MRI nya ay may nakitang ugat na parang nag photo bomber lang kya ni-refer nman kami sa isang NEUROSURGEON.. after reviewing the MRI result, sbi smn ng neurosurgeon ay normal veins lng cya and nothing to worry.. kasi as per mikaylas neuro pedia, ang face natin ay symmetrical na pag hinati sa gitna ang mukha natin ay parehas na may tig isang mata at tenga, kalahating ilong at bibig.. ung ugat na nakita sa MRI ay parang nunal sa mukha.. or kya siguro lumabas dw un ay dahil inatake ulit si mikayla ng mild seizure before ng MRI test nya kya bka fresh pa masyado ung brain reaction kya lumitaw un... we still dont know yet kya may follow-up MRI pa kmi after 2 weeks..
June 30, 8pm.. nakalabas na kmi ng ospital.. dala ang mga medicines at maintenance ni mikayla.. our neuro pedia advice us na maximum of 2hrs A DAY lang tlga dapat ang pag gamit ng gadgets ng mga bata at iwas puyat para maiwasan ang ganitong sakit..


mikayla is still a normal child, makulit, madaldal but makakaranas prn ng twitching from time to time dhl un ang reaction na ng brain nya.. ung maintenance nyang gamot ay para maiwasan ang seizure.. sa totoo lang po malusog ang anak ko kahit allergic cya sa madaming bagay.. lahat ng nakakakilala sa anak ko ay talagang nagulat kng bkt nagkasakit si mikayla ng ganun.. kya nga po ako nag post ay para maiwasan nyo ito dahil sa totoo lang nakakatakot ang pangyayari, idagdag nyo pa ang gagastusin nyo. Ang sakit na focal seizure ay hindi po nakakahawa na pag hinawakan mo ang isang taong nag se-seizure ay pati ikaw ay mg seizure dn, hindi po totoo un.. para po maiwasan natin sa mga anak natin ang ganitong klaseng sakit at i-minimal use natin sila sa mga gadgets, tv or computer at pagpupuyat.. hindi ko din po sinasabi sa post kong ito na kung ang anak ko ay nagka seizure ay mrn dn ang anak nyo.. ang sa akin lng po ay iwasan natin silang gumamit ng matagalan ng mga gadgets.. ito po ay para sa kalusugan ng ating mga anak at para na dn po sa ating mga bulsa dahil hindi po biro ang gastusin pag naospital.








Early signs? yes mrn po.. First week of june, kinakausap ko si mikayla at inutusan kong tumingin skn.. sagot nya nka tingin na dw cya pero nakikita kong parang nabanlag cya.. left eye nakatingin skn tapos ung right eye d skn nkatingin.. isa na dw un sa symptoms.. minsan kumakain kmi tpos parang na spaced-out cya, then nung tinawag ko cya parang nagulat pa cya kng anong ngyri.. akala ko arte na lng pero isa na dn pla un sa symptoms ng focal seizure.. minsan pag nag ku-kwentuhan kami sbi nya parang na lost na dw memory nya kc d nya talaga maalala.. to think na nung isang araw lng ngyri un.. ako nman kala ko arte nya lng ulit un kasi nga bata eh.. bka sadyang umaarte na pero mali pla ako dahil lahat ng signs na nakita ko noon at d ko binigyang pansin ay hindi ko akalain na mga symptoms na pla un ng focal seizure.. KASI HINDI KO ALAM! Kya po ngayon ay ibinabahagi ko snyo kaya dapat each parent should be aware of their child, kahit po gaano tyo ka-busy.. hinayaan ko si mikayla mg ipad para d nya ako maistorbo.. mostly sa atin (aminin nyo man o hindi) ay binibigay ntn sa mga anak natin ang mga gadgets pra d tyo kulitin, guluhin o istorbohin sa ginagawa natin.. tyo nga pag nasobrahan tyo sa pag facebook or computer eh sumasakit ulo natin.. how much more pa kya mga bata? hindi ko nga alam na pde pla magkaroon ng ganitong sakit ang anak ko eh, kasi hindi ako aware na pde pla..








Kung may katanungan po kyo about sa focal seizure, eto po ang link..
Salamat po na matyaga nyong pagbabasa and sana d nyo po ito maranasan.
DISCLAIMER: ang pag post kong ito ay hindi po para sa popularity naming mag-ina o ang i-boost ang business ko.. ito po ay ibinahagi ko para maiwasan ng nakakarami..
Salamat po sa nagbahagi ng post ko para malaman pa ng iba at sa mga nag message sa akin.. nabasa ko po lahat ng comments at private message nyo ngunit hindi ko po maaaring i-entertain lahat..


UPDATE ON MIKAYLAS HEALTH: so far no seizure attack simula po nung umuwi kmi galing ospital, salamat po sa Diyos at sa gamot na iniinom.. binawalan na nmin cya sa gadgets, tv nya ay pampatulog na lng at katabi na ako.. super cranky cya dhl lagi cyang bagot kaya nag pe-paint na lng cya pang tanggal bugnot.. nakapasok na dn cya sa school kahapon..










No comments